oh buhay ka!
hindi ka ba nagtataka,kung bakit hanggang ngayon eh patuloy ka paring himihinga?…..malamang hindi,pero bakit hindi!? Pero teka pagkagising mo ba kanina eh nag dasal ka!? Nag pasalamat ka ba sa Kanya sapagkat ikaw ay buhay pa?….Madalas nalilimutan nating pasalamatan si Bro. diba! , ou ako inaamin ko , ikaw!? .Maswerte ka at sinisikatan ka pa nang haring araw, masayang namumuhay sa mundo at patuloy sa malayang pag kilos,pero tingin mo ba ganun talaga, na dapat kang mag saya dahil buhay ka.!? malamang bakit hindi ang sagot mo, ako din yan ang akala ko..ou tama pero tama nga ba!?
Hindi ka pa rin ba talaga nagtataka?, Buhay ka pero yaong isa mong kapatid sa kabilang banda matigas na at iniiyakan.Bakit nga kaya.Bakit ikaw buhay ,siya patay na….Ang dami namang dyang iba bakit sya pa ang nauna at bakit ikaw eto tumatawa…..Masama ba siyang tao? eh ikaw mabuti ka bang tao?….hindi mo ba naisip na kaya ka humihinga ngayon ay dahil marami kang dapat baguhin kasi masama ka, o di kaya eh may mali sa iyo….ou nobody’s perfect,maliban kay nobody! pero tingin mo tama bang dahilan yan!?kung tatanungin mo ako nang :”eh bakit sya ang sama-sama nang ugali patay na,eh di dapat buhay sya”…..oh kitams nakita mo ang mali nya eh ikaw nakita mo na ba ang mali mo!?Bakit ginagawa mo syang batayan gayong alam mo na masama siyang tao!?…..

Sunrise is Hope…
Sunrise…..sinyales nang bagong umaga…at bagong araw,pag babagong buhay para sa tao!,totoo nga kay o ito ay bilang simula lang nang isang masayang araw mo sa trabaho,eskwela,sa barkada,pamilya at kung ano pa man.?Sunrise bring us another chance to start our daily routine, hindi ka ba nagsasawa na iisa ang ginagawa mo sa inaraw araw na ginawa nang Panginoon!?. Another chance to learn new things, to discover, and to fully understand ourselves…our purpose in life at kung sino ba talaga tayo….ikaw kilala mo pa ba ang sarili mo?Another chance for us people na sana ma i-restart ang nadiskarel nating pag katao….Sa tingin mo ba kasi eh mabuti kang tao?ano ba kasi ang dahilan bakit ka nandito at himihinga ka bakit hindi nalang yaong taong iniiyakan nang isang pamilya doon sa isang banda ang buhay at ikaw kaya ang nasa kahon,bakit?,bakit?,Bakit?….
sa isang pamilya minsan pag nalaman nating may kanser si nanay o kaya si tatay,si ate o si kuya….dala nang emosyon mo ay nasasambit nating na bakit siya pa ang dami dami naman dyan iba..bakit!?Ou marami dyang iba at isa na sa marami na binanggit mo ay ang iyong mga mahal sa buhay…tanong ko bakit, bakit hindi ba sila kabilang doon? Maaaring maunawaan kita dahil sa sidhi na dala nang iyon damdamin….pero mali,kahit saang anggulo mo titingnan? Sabi nang mga nagmamagaling “its part of our life”, kapag sa pamilya mo ba yaan tumama masasabi mo pa kaya ang salita na yan!?….
may kasabihang ”ang masamang damo ay matagal mamatay”. sa tigin mo ano ang dahilan….tulad nang tanong ko bakit buhay ka!?hindi kaya may sadyang dahilan kung bakit!?….
Kung ang nabanggit na kasabihan ang pagbabasihan, malalaman natin kung sino ang ubod nang sama dito sa lupa…..pero pansinin mo rin kung bakit humihinga ka hanggang ngayon ay dahil kaya kailangan mo nang mag bago….at naisip mo na rin ba na nagbago na ang mga namatay na tao bago sila pumanaw at dahil ayaw na rin silang hayaan pa na muling magkasala dito sa lupang makasalanan…at ikaw andirito ka pa rin kasi hindi ka panagbabalik loob…Kapatid kung alam mo sa sarili mo kung sino ka at alam mo na ang bagay na malamang tinutukoy ko,magsimula ka nang muli…di ka nag iisa andito ako….gaya mo ako kaya nga buhay ako hanggang ngayon…
Remember Christ Redeemed us from sin.but here’s Satan pushing us to have new one…Gayon pa man kanino ka mas kakapit….at bakit!?
kahit wala ng salita, larawan pa lang milyong salita na ang nakapaloob..
sa haba, nahirapan ako anong sasabihin ko..hehe
ang daming bakit?… andito ako dahil buhay ako… yon na yon.
ya Nga naman,, napansin ko rin lahat yata nang tanong na di masasagot eh nagtatapos sa bakit!? bakit nga kaya,Baskit!? haha…
hayyyy.
Hmn. May God continue to bless us. Bakit nga ba ako patuloy na humihinga? Marahil tama ka. Marami pang pagkakataon para maunawaan ko ito. Sa bawat pagsikat at pagngiti ng araw sa akin, sa bawat dampi ng sinag nito sa aking pisngi, sa bawat minutong lumilipas heto ako at humihinga ngunit bihirang nagpapasalamat sa Kanya.
haha mukha yatang mas bagay na ibinigay ko na lang sa iyo ang ediya na ito para ikaw ang nag post,,mas maganda ang pagkalikha sana batay sa kumento mo….
musta kana ba? O ayus ka na!?
Hello Kuya AJ!
Hala, wag ganun. Kaya naman nabuo yung comment ko kasi malalim ang iniwan mong tanong sa post mo. Kaya naman four thumbs up ako sa’yo!
Hehe… Okay naman ako. Teka, tanungin ko sarili ko. LOL
oh buhay ka!?
haha…ganun ba salamat sa appreciation …oy baka lumaki tenga ko….
dat’s good…
weh paninindigan ang pagiging kuya ha.!?
Kuya AJ! Ayos lang kung lumaki tenga mo kasi hahaba pa ang buhay mo. Huwag lang lumaki ang ulo at puputok yan, maaari mo pang ikasawi.
haha nga naman….
naalala ko pa, mga few months ago… mahilig kaming tumambay ng mga kaibigan ko ng madaling araw sa coffee shop sa may mo. ignacia… magkukuwentuhan kami, hanggang sa sikatan na kami ng araw…
yun ang isa sa mga best experience ko.. yung nasasalubong mo yung bagong umaga.. saka bagong start…
pero ngayon may mga puntong dumating na.. tumatagal ako sa harap ng computer ng hanggang umaga… naiinis ako pag naririnig ko yung manok na tumitilaok…
naisip ko lang…
nagkakape din kaya ang mga manok?…
haha bakit nga hindi….oU masarap talagang experience ang pag masdan ang sunrise lalo na sa beach…na experience ko nang salubungin ang haring araw nang i welcome namin ang mga plebo namin nung high school ako….somewhere in dinggalan aurora….saya!!!
Bakit pa ako nabubuhay?
Nabubuhay ako dahil sa patuloy na pagpapahiram ng buhay ni Bro, upang maisakatuparan ang pagbabago sa sarili, pagtupad sa misyon ng buhay at pagsasabuhay ng mga aral ng diyos at ng buhay.
Kasabay ng pagsikat ng araw, ay ang pagsikat muli ng layunin na makatulong sa kapwa kahit na sa maliit na pamamaraan. Pag-iinit ng araw na tila angsisilbing liwanag sa lahat, gaya ng pagsisilbing inspiration sa mga taong nawawala ng pag asa at pangarap.
Sa pag lubog nito, kasabay na lulubog ang mga bagay na di nararapat at kailangang iwaksi para sa ikakaunlad ko bilang isang bagong indibidual.
Isang payapang gabi tulad ng payapa kong pamumuhay kaalinsabay ng mahaba at paliko likong lakbay buhay.
Ingat and godbless Aj!
Continue to write fro your heart and inspire people from every walks of life.
lahat tayo may kanya kanyang dahilan….
at tulad nang sa iyo sana ang lahat ay gaya mo…
salamt sa pag daan…
hahaha wala na akong masabi…God bless na lang….wehehe
WEh
ayui!
nabubuhay ako dahil alam kong may mission pa ako dito sa mundo…to God be the glory!
sang ayon ako Dyan Fads,,,,,
kaya ingat po sa ating lahat na mapangalagaan ang ating buhay….para matagpos o maisakatuparan natin ang mission na ito.,..
Hello Kuya AJ!
hello din pseudo…hmmm
naguluhan talaga ako sa mga site mo…
Sunrise is a nightmare! mas mahal ko ang sunset dahil ang sunod ay dilim kung saan makikita ko ang maraming bituin.
Haha…I don´t mean sunrise is ugly or anything, mahilig lang talaga akong matulog hanggang tanghali.
uy mayu pusang naligaw….ou kanya kanya naman tayo nang trip…ako mas gusto ko din ang sunset kaysa sunrise nagkataon lang na i have to put that picture para sa topic nang blog ko haha…
same thing…mahilig din ako matulog hanggang sa tirikan nang araw sa higaan…pero one time nakasaksi na din ako nang sunrise sa gawing Aurora province ,ou.nice..
Oh by the way, I have to say the picture is beatiful. If it´s in the picture I don’t care if it’s sunrise or sunset.
sunrise po yan…kasi nang mag search ako sa google isa yan sa mga lumabas…
salamat sa pag daan…hanggang sa uulitin…
ako. nabubuhay. dahil. kelangan. eh.
haha ou totoo yan…halos lahat yata..yan ang reason…